Lunes, Enero 8, 2018

  Ang Buhay ng TAO

     Ang Buhay ng tao ay napaka makulay, may mga maliliwanag na kulay mayroon rin namang madilim
may mga taong nagsusumikap para mabago ang kanilang kulay, may mga tao naman na kuntento na,
,meroon rin namang hindi alam na posible palang mabago yung kulay na meroon siya.
May nagsasabi na ang buhay raw ng tao ay maikli lang meroon namang nagsasabi na nakakabagot,
depende kung paano mo titignan at gagastusin ang bawat oras na meroon ka.
Yun pa pala sabi nila magastos daw ang mabuhay pero may mga tao na sila ang mismomng
kumikitil ng kanilang buhay, bakit kaya? dahil ba hirap na sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran
o para sa kanya walang silbi na ang mabuhay…
Walang nakakaalam kung ano ba ang meroon sa kabilang buhay, walang nakakaalam kung ano na
ba ang susunod matapos ng kamatayan… may nagsasabi na may langit at impyerno, may nagsasabi
na magbabago raw ang anyo mo pwedeng hayop, halaman o tao ulit!
Ang Buhay ng tao ay misteryoso, maraming problema na kung uugatin mo dapat wala namang problemahin
pero para magkaroon ng sistema ang mundong ito kailangan may kaunting kasunduan at sa kasunduan
madalas na nagkakaroon ng komplikasyon at di pagkaka-unawaan, kung kaya may ginawang batas pero kung
minsan ang batas ay mahirap maintindihan.
Ang Buhay ng tao ay di kayang masukat ng numero, maiguhit ng lapis o mahuli ng kamera kaya kung sa tingin
ninyo kulang parin ang ating nalalaman matapos mabasa ang sandamak-mak na libro, mapanood ang libo-libong pelikula
at makita ang mga litrato na nagpapaliwanag sa buhay ay huwag mag-alala, walang publema sa iyong sarili o maging sa mga taong nagbahagi ng kaalaman o interpretasyon tungkol sa buhay dahil walang sino man ang makakahuli ng buo at makakapagpaliwanag tungkol sa Buhay ng Tao dahil siguro ang buhay ng tao ay sadyang ganoon di kayang maikulong kaya ito tinawag na buhay…

Sabado, Disyembre 16, 2017

Pagbasa (Tekstong Persweysib)

"Batang Hamog sa Edukasyon"



   Batang lansangan o mas kilala sa tawag na batang hamog. Madalas mong makikita ang mga batang ito sa lansangan na kung saan mayroon silang hawak na solvent na kanilang sinisinghot sa kadahilanang ito lamang ang nagbibigay kaligayahan sa kanila. Kaya naman kailangan natin magsagawa ng programang makahihikayat sa mga batang ito patungo sa edukasyon, upang magkaroon ng landas ang kanilang mga buhay. Pero bago ang lahat kailangan nating makalikom ng pera at kooperasyon ng iba upang masagawa ang programang ito. Dahil sa programang ito matutulungan natin silang makapagbagong buhay at sa pagdating ng tamang panahon sila din ay makakatulong sa atin sa paraang maikalat at maipagpatuloy ang ganitong programa.

Lunes, Disyembre 4, 2017

Pagbasa (Tekstong Deskriptibo)

"UPUAN"




                       Upuan, silya, salung puwet, at bangko ito ang kadalasan tawag sa inuupuan natin sa kusina, room sa school at kung saan pa. Kadalasan ang bagay na ito o upuan kung tatawagin ay yari sa pinagdikitdikit na kahoy, bakal, at plastic. Ngunit ngayon, sa iba't ibang bagay na gawa ang upuan meron nang gawa sa tela, gulong at kung ano-anu pa na pwedeng gawing upuan. Isipin mo na lang ang kahalagahan ng upuan sa ating pangaraw-araw nating buhay, halimbawa na lang ng gamit nito, kung ikaw ay nangangawit, napapagod at gusto mo ng mahiga ngunit wala kang kama subukan mong maupo sa upuan siguradong matatamasa mo ang ginhawang hatid nito sayo na para kang humiga sa kama. Ngayon alam nyo na ang kahalagahan ng upuan sa ating buhay at kung yari ang na ito na ating madalas na ginagamit.

Martes, Nobyembre 28, 2017

Pagbasa (Impormatibong Teksto)

Malnutrisyon - Problema ng Kahirapan sa Pilipinas


Ang problema ng malnutrisyon ay patuloy pa rin na gumigimbal sa milyon milyong tao sa buong mundo partikular sa mga mahihirap na bansa kabilang na ang Pilipinas. At patuloy itong lumalala kasabay ng tumataas na kaso ng kahirapan at lumolobong populasyon. Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), ang kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas konektado sa kakulangan ng sapat na masusustansyang pagkain o kaya’y dahil sa hirap na maiabot ang mga kinakailangang pagkain sa buong populasyon. Bukod pa rito hindi din daw sapat ang kaalaman ng lahat tungkol sa kahalagahan ng nutrisyon.
Sinasabing ang kakulangang sa protina (protein-deficiency) ang pangunahing kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas. At tinatayang umaabot sa tatlong milyon ang dumaranas nito. Dahil dito, laganap ang kakulangan sa timbang at pagiging bansot ng mga kabataan sa mga lugar na talamak ang kaso ng malnutrisyon. Ayon sa FNRI, ang pagkabansot (stunted growth) ay problemang matagal nang kinahaharap ng bansa at sadyang nakaaalarma, mula sa 16% rate ng pagkabansot sa mga kabataan noong 2011, dumoble ito sa 33% rate sa sumunod na taon. Ayon naman sa World Health Organization, 28 na milyong Pilipino ang nanganganib na dumanas ng malnutrisyon, dahil pa rin sa hindi maipaabot ng husto ang kinakailangang nutrisyon sa buong ng populasyon.
Upang malabanan ang kaso ng malnutrisyon sa bansa, nagsasagawa ng ilang programa ang pamahalaan upang maikalat ang impormasyon sa lahat. Ipinaaabot ang kaalaman sa kahalagahan ng nutrisyon sa mga kabataan sa mga pampublikong paaralan, kasabay din nito ay mga feeding program para sa lahat. Target ng pamahalaan na mapababa ang mga kaso ng malnutrisyon, gayundin ang bilang nga mga kabataan na namamatay dulot din ng malnutrisyon sa pagsapit ng 2015.
Ayon pa sa mga pag-aaral ng ilang respetadong institusyon, ang mataas na kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay tinuturo ding salik kung bakit hindi sapat ang sustansyang nakukuha ng bawat pamilya. Ang tinatayang 7.8 na porsyente ng kawalan ng trabaho sa bansa ay masasabing dahilan kung bakit hindi nabibili ang mga wastong pagkain na kailangan ng bawat myembro ng pamilya. Dagdag pa rito ang mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado. Ang mga pamilya na biktima ng mga kalamidad ay nanganganib din na maging biktima ng malnutrisyon.
Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa bansa, hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa na darating at darating pa rin ang panahon na masusugpo ang ito sa bansa. Kinakailangan lamang siyempre na pag-ukulan ng pansin ang isyung ito, lalo na mula sa gobyerno. Siyempre pa, kinakailangan din ang pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan nang sa gayon ay makamtan natin ang layuning mabura ang malnutrisyon sa mga Pilipino