Lunes, Enero 8, 2018

  Ang Buhay ng TAO

     Ang Buhay ng tao ay napaka makulay, may mga maliliwanag na kulay mayroon rin namang madilim
may mga taong nagsusumikap para mabago ang kanilang kulay, may mga tao naman na kuntento na,
,meroon rin namang hindi alam na posible palang mabago yung kulay na meroon siya.
May nagsasabi na ang buhay raw ng tao ay maikli lang meroon namang nagsasabi na nakakabagot,
depende kung paano mo titignan at gagastusin ang bawat oras na meroon ka.
Yun pa pala sabi nila magastos daw ang mabuhay pero may mga tao na sila ang mismomng
kumikitil ng kanilang buhay, bakit kaya? dahil ba hirap na sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran
o para sa kanya walang silbi na ang mabuhay…
Walang nakakaalam kung ano ba ang meroon sa kabilang buhay, walang nakakaalam kung ano na
ba ang susunod matapos ng kamatayan… may nagsasabi na may langit at impyerno, may nagsasabi
na magbabago raw ang anyo mo pwedeng hayop, halaman o tao ulit!
Ang Buhay ng tao ay misteryoso, maraming problema na kung uugatin mo dapat wala namang problemahin
pero para magkaroon ng sistema ang mundong ito kailangan may kaunting kasunduan at sa kasunduan
madalas na nagkakaroon ng komplikasyon at di pagkaka-unawaan, kung kaya may ginawang batas pero kung
minsan ang batas ay mahirap maintindihan.
Ang Buhay ng tao ay di kayang masukat ng numero, maiguhit ng lapis o mahuli ng kamera kaya kung sa tingin
ninyo kulang parin ang ating nalalaman matapos mabasa ang sandamak-mak na libro, mapanood ang libo-libong pelikula
at makita ang mga litrato na nagpapaliwanag sa buhay ay huwag mag-alala, walang publema sa iyong sarili o maging sa mga taong nagbahagi ng kaalaman o interpretasyon tungkol sa buhay dahil walang sino man ang makakahuli ng buo at makakapagpaliwanag tungkol sa Buhay ng Tao dahil siguro ang buhay ng tao ay sadyang ganoon di kayang maikulong kaya ito tinawag na buhay…